Wednesday, May 6, 2009

Kwento ng Batad/Sagada (Part One)

10:30 ng gabi ng umalis kami puntang Banaue from Manila sakay ng Florida bus. Namputsa!... Tama ang nabasa ko sa mga blogs, para kaming isdang binebyahe papuntang palengke…frozen! Sobrang lamig sa loob ng bus. Merong di nakatulog pero ako naghihilik pa daw sabi ng katabi ko! May dala kasi akong blanket at pagod pa kasi kabababa lang eroplano ko galing LA, jetlag pa!

Medyo sumisikat na ang araw ng magising ako pero mas minabuti ko pang ipikit na ulit ang mata ko kasi para akong hinihila sa mga bangin na nakikita ko habang tumatakbo ang bus. Bilib ako sa driver, walang kahulog-hulog, nakarating kami sa Banaue saktong alas syete ng umaga, buhay pa! hehehe

Pagdating sa bus stop, hanap kami sasakyan papuntang “Saddle” kung saan magsisimula ang aming penitensya..maglalakad kami ng mga isang oras para marating yung Batad Village. Dun mo makikita ang pinakamagandang hayop err rice terraces pala...sa balat ng lupa.

Sa wakas, natapos din ang negosasyon sa bayad sa sasakyan namin. Php2500. May kasabay kaming mga kastilaloy. Malas naman, poquito lang ang alam kong espanyol. Sila naman walang alam na ingles..lalo na tagalog..So, senyasan na lang kaming mag-usap! Hati sa bayad. dibay dibay yung Php2500 sa siyam. 4 na kastila, 5 ang pinoy. Lamang kami kung sinubukan nilang sakupin ulit ang 'pinas...hehehe

9AM ng mag-umpisa kaming mag-trekking kasama yung nephew nung may-ari ng tutuluyan naming inn, Hillside. Alam nya na darating kami kaya inabangan na kami sa “Saddle”. Di naman nakakapagod ang maglakad, ganda view eh tapos masaya pa! Dapat lang talaga wala kang masyadong dala para mas mabilis ang lakad. Eh si Eva ang daming bilbil na dala. Ako naman beer belly ko ayaw paiwan! Yung tatlong bagets na kasama namin, ang bilis maglakad!

Ay sa wakas, narating din naming ang inn ni Aling Maya. Gutom na kaya paluto agad ng tinolang manok at konting pahinga bago tahakin ang Tappiya Falls. Mga isang oras na lakarin na naman yun! Madali lang naman kasi pababa at dadaan ka sa rice terraces mismo. Nakita mo ba sa pics? Ang taas ng waterfalls, naligo kami! Sarap ng tubig eh tapos ang dami pang forein-ger, naliligo din na naka-2 piece pa!

Eto na ang masakit Kuya Eddie! Ang pabalik. Kasi pa-akyat! Di ko matandaan kung ilanmpung beses kong isinumpa kunwari! Hahaha…isang malaking pagsubok talaga! Itanong mo kay Eva. Mahigit 2 hours din kami bago kami nakabalik sa inn. Lahat ng makasalubong namin, laging tanong, malapit na ba ang falls? I-isa lang naman ang sagot naming…Oo, malapit na! Pero iba ang ibig sabihin. Malapit na kaming tumawag ng ambulansya sa sobrang pagod. Halos gumapang na kami eh…hehehe Tapos biglang may sumabog! Sabi nung tour guide namin, dynamite daw sa mining. Ahhh ok!

Yun ang akala namin! Natatandaan nyo ba yung advance team ni Ate Glo Arroyo na papunta sa Benguet yata? Yun pala, may helicopter na bumagsak..sila yun! Nabasa ko na lang sa dyaryo pagdating ng Maynila. Maraming nalungkot kasi patay lahat pero marami din ang naghinayang kasi di nakasama si GMA..hehehe…joke lang!

After waterfalls, relax na lang kami sa Inn. Konting inuman, konting gitarahan at kantahan, tapos tulugan na! Maaga kasi ang gising pabalik sa “Saddle”. Punta naman kami sa Sagada kinabukasan para silipin ang hanging coffins and do spelunking, bisitahin ang kweba.

Umuusok na naman ang negosasyon sa transportation. 3 hours din papuntang Sagada by jeep. Nag-hire kami private jeepney. Php1500 papuntang Banaue galing ng “Saddle” ..tapos another Php3000 pa-Sagada naman. Oooppss! muntik ng makalimutang bayaran yung tour guide namin. Php1200! Nakarating kami ng Sagada ng maayos after nearly 4hours. Para kang idinuduyan habang pinanonod ang mga tanawin! Sarap talaga ng byahe!

Itutuloy……

9 comments:

ka rene.. said...

ganda ng blow-by-blow accounts. as if nai-imagine mo how your faces looked like while ascending thru the the rice terraces..medyo habol ang paghinga while looking up to check the distance still to negotiate.,aha, kwento ka pa lolo basyong! like the blow-by-blow accounts of the hatton-pacman fight. un-belibabol!
speaking of your espanggol na mga kasama, sana ung taga-houston e nakasama rin para walang kahirap-hirap.mi casa e su casa, me dinero e su dinero, me tengo el perro walang kaso, me tenggo caballo porque asado, muy bien, muy bien ala-apunten...tsk..tsk! sayans!

Jewel said...

i second the motion :-) you should thank God for having had the opportunity to experience (as in using all your senses)this once-in-a-lifetime journey...maybe you can take me there one of these days; provided, your beer belly doesn't come with you...hehehe...

webmaster said...

this may not be a once-in-a-lifetime journey as I intend to visit again this place someday. I really like the serenity and calmness of the mountain.

AKO ITO said...

Why do I get the feeling that I will join you next time? :-) Should I prepare my Northface gears, i.e. sneakers, backpack & tank top? Nyahaha!!

ka rene said...

Uupps! mukhang china-challenge si mr. webmaster, ah? sana sumama ka jewel, para you also experienced the once-in-a-lifetime trip. mr. webmaster announced this plans months ahead. i'm sure you'll both enjoy.
forget the beer belly, it will take time and enormous will to shed it (just like me. how can i resist not savoring the local KHABSA for at least a week. I'm killing myself if i did).
trekking is good enough to burn more calories.

ka rene said...

what about the accounts of eva? kwento ka rin.

webmaster said...

to "ako ito", talk is always cheap...so just do it!

hehehe...cheers!

eva said...

tignan mo yang webmaster na yan! kala ko concern sya sa akin at parating sabi - e hinihintay ako kasi bagal ko kasi pagod na ako- yun pala nagpapahinga lang din sya! magaling ka magdrama!@#$%

webmaster said...

eva, hinihintay talaga kita dahil worried ako sa iyo...sinasabayan ko lang ng pahinga! ...hahahha