Friday, May 8, 2009

Kwento ng Batad/Sagada (Part Two)

Nakita agad namin yung Residential Lodge ni Mama Mary sa Sagada. Very kulay-ful eh! Maganda at malapit sa lahat, may hot water pa! Sama-sama na lang kaming lima sa isang kwarto…patong-patong...not! hehehe...Php200 a night!

Nag-lunch kami sa Yoghurt Houseda best-est! Oks ang food and atmosphere ng place…di ka mapapahiya kung may ka-date ka! Tapos lakad-lakad after lunch. Syempre, may kodakang kasama!

Punta sa munisipyo para mag-inquire about caving. Nag-register din kami para sure na ma-identify ang body...hehehe… Si Eva, nagpa-iwan na sa labas ng kweba kasi mahal pa daw nya sarili nya! Hintayin na lang daw nya kami kung makakalabas pa kami ng buhay :-)

After a short rest, spelunking na! Sinilip muna namin yung hanging coffins. Umuulan na ng makarating kami sa entrance ng kweba. Ang super dilim! Nakakatakot sa umpisa pero pag andun ka na sa kaloob-looban at nahawakan mo na ang dumi ng mga bats, mawawala na ang takot kasi baho na ang nasa isip at ilong mo! Hahaha….pero mahuhugasan naman sa malamig at malinaw na tubig na palagi mong lulusungan.

Exciting ang caving! Lalo na pag nakita mo na yung mga ibat-ibang rock formations. Just use your imagination ika nga! Check out the pics and see for yourself…tapos kalog pa yung guide namin! Pinagapang ba naman kasi sa pagitan ng dalawang bato na may tubig pa. Yun pala may mas madaling daan papunta sa kabila!

May parte pa na aakyat kami gamit ang lubid na pag-nakabitaw ka ay tubig ang babagsakan na malalim daw sabi ni guide. Sa awa ni Bathala, dalawang beses nahulog yung isang kasamahan namin. Ayun, buhay pa naman kasi di naman pala malalim yung tubig. Hanggang waist lang! Loko talaga ‘tong si Satur guide!

Mga 2 hours din kaming nawala sa sarili! Nasa loob kasi kami ng kweba na super ang ganda! Wag kayong magugulat kung mapanood nyo kami sa Kapamilya station. Na-interview pa kasi yung dalawang kasama naming sa gitna ng aming spelunking.

Natapos ang caving na hindi naman masyadong madugo! Konting galos lang sa tuhod ang natamo at konting baho..hehehe. Masayang-masaya kami pabalik sa lodge para mag-shower kasi na-conquer naming ang mahiwagang kweba. Syempre pa, dinner kami sa fav restau. Sarap talaga lalo na yung famous yoghurt na may banana. Nag-SanMig kami after dinner. Isang bote lang..pampa-antok!

Tulog pa ang mga anghel at madre ng gumising ako at maglakad sa kalye dala ko ang aking camera. Napasok ko yung magandang simbahan! Nakipag-kwentuhan din ako sa mga ale na nagtitinda ng suman. Lakad-lakad lang kung saan saan…exercise na rin!

Pagbalik ko sa lodge, gising na ang mga anghel…nakapaligo at ready na mag-lakwatsa! Kaso alanganin ng magpunta sa Bomod-ok Falls na gusto kong makita sana so nag-desisyon na lang kaming sumakay ng bus after breakfast papuntang Baguio. Dun kami dadaan pabalik sa Pulilan.

Takbo ang bus sa Helsema Highway. Spectacular views! Yan ang road project ni GMA na bibisitahin nya kasama yung bumagsak na chopper. Ok na ok pag natapos yan. Mas magiging madali ang byaheng Baguio/Sagada. Walang AC ang bus pero ok lang, di naman mainit kasi bundok. Kain ng balut along the way…pampalakas ng tuhod!

Nakarating kami sa Baguio after 6hours yata. Nagpa-book agad ng byaheng Maynila. Super deluxe ang sinakyan namin. Non-stop na, may pa-meryenda pa! Apat na oras at kalahati nasa Pasay ka. 2 seats on the left side, single seat sa right side! May CR, pwede ka pang humiga kung inaantok. First time kong nasakay sa ganung bus dito sa ‘pinas. Extra-special! Php700 ang bus fare. Soooo relaxing naman ang byahe.

Dito natatapos ang kwento ko ng 3days2nights na di malilimutan sa Batad at Sagada. Sayang, di kayo kasama! Pero di bale, enjoy nyo na lang ang mga pics. Ma-feel nyo rin ang adventure namin. Siguro sa susunod, kasama na kayo. You will not regret it…I promise!

4 comments:

Anonymous said...

ok na ok ang kwento ah. inggit ako!

Jewel said...

you can give Dan Brown a run for his money should you decide to retire early and become a novelist...looking forward to more stories...i wonder how you are though at writing love stories...hahaha...

ka rene said...

MOTHER'S ARE THE SWEETEST.

Our mother is the sweetest and
Most delicate of all.
She knows more of paradise
Than angels can recall.

She's not only beautiful
But passionately young,
Playful as a kid, yet wise
As one who has lived long.

Her love is like the rush of life,
A bubbling, laughing spring
That runs through all like liquid light
And makes the mountains sing.

And makes the meadows turn to flower
And trees to choicest fruit.
She is at once the field and bower
In which our hearts take root.

She is at once the sea and shore,
Our freedom and our past.
With her we launch our daring ships
Yet keep the things that last.

-nick gordon-

happy mothers' day to all!

webmaster said...

yes happy mother's day to all moms out there!