Akala ko babae lang ang kayang magalit ng ganito! Pinagsasampal nya ang lahat, walang patawad. Marami na nga ang umiiyak at nagmamakaawa para tigilan na sila pero sa loob ng mahabang oras, di pa rin nawala ang hagupit nya.
Kitang-kita ko ang resulta ng lisik ng iyong mata. Lalaki ka pa naman na naturingan.
Marami sa mga kababayan ko ang nanglumo sa iyong walang-awang pamamayagpag na naging sanhi ng paglubog ng kanilang mga kabuhayan...at paglitaw ng iba ng kanilang kamatayan.
Bahid sa kanilang mga mukha ang hirap, pagod, gutom, uhaw, pagkatalo, at galit. Pero gayunpaman di mo sila kayang pasukuin. Babangon ulit sila at ipararamdam sa iyo na di mo sila kayang talunin. Sisiguraduhin nila na sa susunod na mangyari ito, mas handa sila!
Grabe ka Ondoy...mas masahol ka pa yata kay Katrina!
Monday, September 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Mas grabe ka Webmaster...mas grabe ang pagmamahal mo sa Pinas kesa sa akin...you never fail to put me to shame. Nakita ko lahat sa tv, felt sorry, pero bakit parang hanggang doon na lang ako? Pero ikaw, nagalit, nang-uusig...salamat kaibigan...may puso ka nga...puso ng tunay na Pinoy! Mabuhay ka!
Please check this link on how to donate from abroad:
http://moongirl.wordpress.com/2009/09/28/donating-to-manila-from-abroad/
Maraming Salamat!
Here's another website to make donations:
http://miriam-quiambao.blogspot.com/2009/09/typhoon-ondoy-emergency-hotlines-relief.html
God Bless!
Check this site...interesting!
http://earthobservatory.nasa.gov/IOTD/view.php?id=40346&src=iotdrss
ijust learned today that Sir Ed was also a victim of Ondoy- as i passed by retiro going to ofc i txted him para kumustahin sya- he called up and told me that water went up to the ceiling- (naka elevate na ang haus nila at may second flr pa) kaya all his precious possession ay binaha. He wasnt home then only Nanay and a haus help at wala talaga nasave- as in lahat!
it's so sad to learn people we know were affected by the recent typhoons, just like what happened to Sir Ed and a few I know. The outpouring of support however, from every corner of the world made it a lot comforting.
Post a Comment